^

Police Metro

Tangke ng LPG sumabog: 2 paslit natusta

Cristina Timbang - Pang-masa
Tangke ng LPG sumabog: 2 paslit natusta
Sinisiyasat ng mga otoridad ang nasunog na bahay na ikinasawi ng magkapatid na paslit nang hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay sa Brgy. Bilusong, Silang, Cavite, kamakalawa.

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang magkapatid na paslit nang masunog ang kanilang bahay dahil sa umano’y pagsabog ng tangke ng LPG, naganap sa Brgy. Biluso Silang, Cavite, kamakalawa.

Halos nagmistulang uling na ang magkapatid na kinilalang sina Rhian Barrientos, 4-anyos, kindergarten student at kapatid nito na si Rhyle Barrientos, 3-anyos, kap­wa ng Purok 1, Brgy. Biluso, Silang, Cavite nang marekober ang kanilang bangkay.

Sa ulat ng pulisya, nagsimula ang sunog dakong alas-3:00 ng hapon na ayon sa mga kapitbahay ay nakarinig sila ng isang malakas na pagsabog bago sumiklab ang sunog sa bahay ng mga biktima.

Sa pahayag ng ina na si Geraldine, iniwan niya sandali ang dalawang anak sa loob ng kanilang bahay upang maghanap ng mga kahoy.

Subalit, nang bumalik umano siya ay nakita na niyang nagkakagulo sa kanilang lugar at nasusunog na ang bahay.

Hindi na nagawang mailigtas ang magkapatid na nakulong sa lumalagablab na apoy na tumagal na ang sunog na mahigit sa isang oras bago tuluyang naapula na kung saan ay nadamay ang ibang katabing bahay.

vuukle comment

LPG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with