^

Police Metro

Ermat pinatay ng buryong na anak

Ed Amoroso, Arnell Ozaeta - Pang-masa
Ermat pinatay ng buryong na anak
Ayon sa ulat ni P/Major Billy John Mactal, hepe ng Talisay police, alas-11:30 ng gabi ay mahimbing na natutulog ang biktima sa sofa ng kanilang bahay nang bigla nalang pagtatagain ng suspek.
STAR / File

MANILA, Philippines — Pinagtataga ng anak na lalaki ang kanyang 74-anyos na ina habang mahimbing na natutulog sa kanilang bahay sa Barangay Aya, Talisay, Batangas, nitong Martes ng hatinggabi.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima na si Maria Rizaldo, 74, dahil sa mga tinamong sugat sa iba’t ibang  bahagi ng katawan.

Nasugatan din ang mga biktima na sina Genalyn Castillo at ang dalawang anak nito na isang 15-anyos na lalaki at isang 13-anyos na babae.

Agad din naaresto sa follow-up operation ang suspek na si Oliver Rizaldo, 40, kinaumagahan sa pinagtataguan nito sa Brgy. Kiling.

Ayon sa ulat ni P/Major Billy John Mactal, hepe ng Talisay police, alas-11:30 ng gabi ay mahimbing na natutulog ang biktima sa sofa ng kanilang bahay nang bigla nalang pagtatagain ng suspek.

Matapos ang pag-atake sa ina, pinuntahan naman nito ang katabing  bahay ng kanyang babaeng  pinsan na si Genalyn at pinagtataga rin pati ang dalawang anak nito.

Sa isinagawang im­bestigasyon, wala uma­nong maibigay na dahilan ang suspek kung bakit niya nagawa ang krimen at nabatid na may iskedyul ito na ipasuri sa doktor para sa mental condition. Nahaharap ang suspek sa Parricide at Multiple Frustrated murder.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with