^

PM Sports

Giyera ng Meralco, SMB simula na

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Giyera ng Meralco, SMB simula na
Isa sa aasahan ng Meralco si Chris Newsome laban sa SMB.

MANILA, Philippines — Mag-uunahan ang San Miguel Beer at Meralco sa kru­syal na unang tagumpay sa inaasahang dikdikang best-of-se­ven finale series ng 2024 PBA Philippine Cup ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

Wala nang pasa-pasakalye pa sa pagitan ng dalawang koponan na gigil na agad sumabak sa giyera sa alas-7:30 ng gabi para sa asam na 1-0 kartada.

Nasa Bolts ang momentum sakay ng pambihirang Game 7 win kontra sa paboritong karibal na Barangay Ginebra habang sasandal sa mahabang pahinga ang Beermen na na­kaiskor ng 4-0 sweep kontra sa Rain or Shine noong nakaraang linggo pa.

Magkaiba ang landas na kanilang tinahak at magkaiba rin ang misyon lalo’t susubok ang SMB na masikwat ang league-best exten­ding na ika-30 kampeonato kontra naman sa tangkang unang titulo ng Meralco sa franchise history.

Subalit para sa SMB, kalaban din nila ang kalawang nang huling maglaro noong Mayo 24 matapos ang 107-100 panalo sa Game 4 ng semifinals kontra sa Rain or Shine upang maisakatuparan ang mis­yon na iyon

“I’m just scared that we just might be rusty. But we will see on Wednesday,” ani SMB mentor Jorge Gallent na aatasan sina sina 7-time PBA June Mar Fajardo, CJ Perez, Jericho Cruz, Terrence Romeo, Don Trollano, Marcio Lassiter at Chris Ross.

“I know we are playing a team that is full of energy, that likes to play defense, it is well-coached. We just have to match their energy to get a chance to win that 30th championship,” dagdag ni Gallent.

Sa kabilang banda ay ganadong-ganado ang Bolts na kagagaling lang sa 78-69 panalo kontra sa Ginebra para sa kanilang unang Game 7 win, series win sa best-of-seven at unang finals appearance sa All-Filipino Conference.

Matatandaang Meralco lang din ang nakatalo sa San Miguel ngayong conference nang mapigilan nila ang tangka nitong 11-0 sweep sa elimination rounds matapos ang 95-92 tagumpay, na naging daan din nila papasok ng playoffs.

Muling sasandal si coach Luigi Trillo kina Chris Newsome, Cliff Hodge, Allein Maliksi, Bong Quinto, Raymond Almazan at rookie Brandon Bates.  

CHRIS NEWSOME

SAN MIGUEL BEER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with