^

PM Sports

Lady Tams dumalawa sa Tigresses

Nilda Moreno - Pang-masa
Lady Tams dumalawa sa Tigresses
Nilaglagan ng bola ni Aly Devosora ng FEU si Cassie Carballo ng UST.
UAAP photo

MANILA, Philippines — Sinuki ng Far Eastern University ang University of Sto. Tomas matapos sikwatin ang 25-22, 26-24, 17-25, 26-24 panalo sa second round ng UAAP Season 87 women’s volleyball tournament na nilaro sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City, kahapon.

Nagkamada si Faida Bakanke ng 22 points mula sa 18 attacks at dalawang service aces upang tulu­ngan ang Lady Tamaraws na suwagin ang pang-limang panalo sa walong laro.

Nadalawahan na ng FEU ang UST, kinalos din ng una ang huli sa apat na sets din 25-19, 16-25, 25-14, 25-20 nang magharap sila sa first round noong Pebrero 15.

Bumakas sina Gerzel Mary Petallo at Jazlyn Ann Ellarina ng tig-12 puntos habang siyam ang inambag ni Jean Asis upang ibangon agad ang Lady Tams mula sa pagkakadapa noong nakaraan kontra De La Salle University sa tatlong sets.

Pakay ng FEU na duplikahin ang kanilang panalo kontra nagkukumahog na University of the East sa Miyerkules sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan upang makahabol sa tuktok ng team standings na hinahawakan ng defending champions National University (7-0).

Tumikada naman si Regina Grace Jurado ng 20 markers para sa Golden Tigresses na nalasap ang pangalawang sunod na talo, kapareho nila karta ang FEU.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with