^

PM Sports

Ginebra itinagay ang 3-2 lead

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Ginebra itinagay ang 3-2 lead
Nilimitahan ng Gin Kings ang Tropang Giga sa 10 puntos lang sa fourth quarter upang masikwat ang ikalawang sunod na panalo nito mula sa 1-2 deficit sa best-of-seven titular showdown.
PBA image

MANILA, Philippines — Namuro sa matamis na kampeonato ang Barangay Ginebra matapos ang dikit na 73-66 panalo kontra sa Talk ‘N Text tungo sa 3-2 kartada ng 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup finals kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.

Nilimitahan ng Gin Kings ang Tropang Giga sa 10 puntos lang sa fourth quarter upang masikwat ang ikalawang sunod na panalo nito mula sa 1-2 deficit sa best-of-seven titular showdown.

Bumandera sa pahirapang tagumpay ng mga bataan ni coach Tim Cone ang resident import na si Justin Brownlee na hinakot ang 16 sa kanyang 18 puntos sa second half upang trangkuhan sa krusyal na panalo ang Ginebra, na may tsansang tapusin ang serye sa Game 6 sa makalawa sa parehong venue.

Nalimitihan lang sa 2 puntos si Brownlee na umiinda pa ng dislocated right thumb injury pero nag-init sa second half tampok ang huling 4 na puntos ng Gin Kings upang maselyuhan ang panalo.

Nakasikwat siya ng solidong suporta mula kay Scottie Thompson na may 16 puntos, 10 rebounds, 5 assists, 2 steals at 1 tapal habang may tig-11 puntos sina Japeth Aguilar at Ma­verick Ahanmisi.

Hindi sumapat ang tig-19 puntos nina Best Import Rondae Hollis-Jefferson at Rey Nambatac para sa Tropang Giga ni coach Chot Reyes na determinado pa ring magwagi sa susunod na laban upang makapuwersa ng winner-take-all Game 7.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with