^

PM Sports

Gilas boys mapapalaban sa FIBA U17 World Cup

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines —Mapapalaban ang Gilas Pilipinas boys sa inaaba­ngang pagbabalik nito sa 2024 FIBA U17 World Cup sa Turkey sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 7.

Nahulog sa powerhouse na Group A ang Gilas kasama ang mga pambatong Spain, Lithuania at Puerto Rico ayon sa ginanap na draw ngayong linggo sa Istanbul.

Ito ang pagbabalik ng Gilas boys sa world stage matapos huling makapasok noong 2018 sa golden era nina Kai Sotto, AJ Edu at Carl Tamayo na nasa Gilas men na ngayon.

Nakapasok ang Gilas sa World Cup matapos ang silat na 64-59 win kontra sa Japan upang makasama sa Final Four ng 2023 FIBA U16 Asian Championship na ginanap sa Doha, Qatar sa likod ng Australia, New Zealand at China.

Sa Turkey, mag-aabang sa kanila ang world No. 2 na Spain na pumangalawa sa bigating USA noong 2022 sa homecourt nila sa Malaga.

Bigatin din ang kalibre ng Lithuania, world No. 7 at Puerto Rico, world No. 15, na kapwa bronze medalists nooong 2016 at 2018 U17 World Cup editions, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, bida naman sa Group B ang ang mighty USA na siyang wagi ng anim na sunod sa Youth World Cup kasama ang China, France at Guinea.

Magsasabong naman sa Group C ang host na Turkey, Argentina, New Zealand at Italy habang bandera sa Group D ang Austraia, Canada, Germany at Egypt.

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with