^

PM Sports

Tropang Giga lusot sa Hotshots, pasok sa q’finals

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Tropang Giga lusot sa Hotshots, pasok sa q�finals
Nalusutan ni TNT guard Jayson Castro ang depensa ng Magnolia.
PBA Image

MANILA, Philippines — Naselyuhan ng Talk ‘N Text ang tiket nito sa quarterfinals matapos lusutan ang Magnolia, 98-93, sa pagtatapos ng 2024 PBA Philippine Cup elimination round kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Muntik masayang ng Tropang Giga ang higanteng 18-point lead nito sa third quarter bago sumaklolo sa end game ang beteranong si Jayson Castro upang masikwat ang dikit na tagumpay.

Nagtapos sa 6-5 kartada ang TNT para makasiguro rin ng puwesto sa best-of-three quarterfinal series imbes na sa potensyal na twice-to-win disadvantage sa ikapito o ikawalong puwesto.

Nabulilyaso ang pagpasok ng Tropang Giga sa quarterfinals nitong Miyerkules nang yumukod sa kulelat na Converge, 107-103, bago lintikan ang Hotshots ng matamis na ganti.

Kumamada ng 18 puntos, 4 rebounds at 7 assists si Castro habang may 19 puntos, 8 rebounds at 4 assists si Kelly Williams upang trangkuhan ang balanseng atake ng TNT tampok pa ang tatlong players sa double digits.

Umiskor din ng 13 at 12 puntos sina Brian H­eruela at Calvin Oftana, ayon sa pagkakasunod, habang may 10 off the bench si Jewel Ponferada.

Maalat ang naging simula ng parehong koponan bago umalagwa sa middle quarters ang TNT upang makapagtayo ng akala nila’y komportable nang bentahe sa 58-40 sa third period.

Subalit muntikang tunawin ito ng Hotshots nang makalapit sa 88-95 sa huling minuto matapos ang nakaw play ni Mark Barroca mula sa baseline inbound.

Dito na pinatunayan ni Castro na kalabaw lang ang tumatanda matapos ang turnaround jumper sa freethrow line para mapreserba ang kanilang kalamangan tungo sa tagumpay kahit pa naka-tres sa dulo si Barroca.

Nanguna si Barroca na may 22 puntos para sa Hotshots na nagkasya din sa 6-5 kartada.

Tulad ng TNT ay swak sa best-of-three ang Magnolia subalit hindi pa alam kung ano ang ranggo at kung sinong makakatapat depende sa huling laban ng Ginebra (7-3) at NLEX (5-5).

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with