^

PM Sports

Creamline nauna na sa Finals

Russell Cadayona - Pang-masa
Creamline nauna na sa Finals
Sa kabuuan ay sasalang ang Cool Smashers sa PVL record na ika-11 sunod na finals appea­rance at puntirya ang pang-walong titulo
PVL image

MANILA, Philippines — Winalis ng Creamline ang Chery Tiggo, 25-16, 25-21, 25-20, papasok sa pang-pitong sunod na Premier Volleyball League All-Filipino Conference finals sa harap ng 17,834 fans kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

“Siyempre, masaya kami at naka-finals kami ulit pero hindi pa tapos iyong trabaho,” ani coach Sherwin Meneses. “Ang target naman is ma-defend iyong crown, so magpe-prepare muna ulit kami kung sinuman ang makalaban namin sa finals.”

Sa kabuuan ay sasalang ang Cool Smashers sa PVL record na ika-11 sunod na finals appea­rance at puntirya ang pang-walong titulo.

Nagbagsak si Tots Carlos ng 16 points mula sa 11 attacks, tatlong blocks at dalawang service ace at may 10 markers si Alyssa Valdez para sa kanilang 2-1 baraha sa semis.

May pitong puntos si Pangs Panaga habang may tig-anim at limang marka sina Jema Galanza, Kyle Negrito at Risa Sato, ayon sa pagkakasunod.

Pumalo sina Eya Laure at Aby Maraño ng tig-walong puntos para sa Crossovers na bagsak sa bronze medal match bunga ng kanilang 0-3 kartada sa semis.

Ang Chery ang isa sa dalawang koponang nagposte ng seven-game winning streak sa elimination round bukod sa Petro Gazz.

Ngunit yumukod sila sa Petro Gazz, 25-20, 21-25, 15-25, 16-25, sa pagbubukas ng semis noong Abril 30 na nagpasimula ng kanilang tatlong dikit na kamalasan.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with