^

PM Sports

PBA out sa BCL Asia

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Liliban ang Philippine Basketball Association sa Basketball Champions League (BCL) Asia na gaganapin sa Hunyo 9 hanggang 15 sa Dubai, United Arab Emirates.

Ang torneo ay mas kilala sa dating tawag na FIBA Asia Champions Cup.

Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na nakikipag-ugnayan na ito kay FIBA secretary general Andreas Zagklis para ipaalam ang desisyon nito.

Idinahilan ni Marcial na marami nang isinakri­pisyo ang liga sapul pa noong nakaraang taon para mapagbigyan ang kahilingan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

“We’ve been talking with sec-gen Andreas and told him about the PBA not joining the BCL Asia. We apologized for this because the PBA has had a lot of sacrifices made since last year,” ani Marcial.

Partikular na tinukoy ni Marcial ang paghahanda ng Gilas Pilipinas kung saan mayorya sa mga pla­yers nito ay mula sa PBA.

Nag-adjust din ng schedule ang PBA para mapagbigyan ang ilang torneong lalahukan ng Gilas.

Isa na rito ang pagsabak ng Gilas sa SEA Games sa Phnom Penh, Cambodia kung saan nabawi ng Pilipinas ang korona.

Kasama rin dito ang hosting ng Pilipinas ng FIBA World Cup na agad namang sinundan ng partisipasyon ng Gilas sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China kung saan nagkampeon ang Filipinos.

vuukle comment

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with