^

PM Sports

Junior Altas dikit na sa Finals

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang kembot na lang ang University of Perpetual Help system DALTA at uusad na sila sa Finals ng NCAA Season 102 juniors basketball tournament.

Ito’y dahil kinaldag ng Junior Altas ang De La Salle Greenhills, 105-93 sa Game 1 ng best-of-three semifinals na nilaro sa FilOil Playtime Centre sa San Juan City kahapon. 

Maagang nagparamdam ng lakas ang Junior Altas matapos nilang hawakan ang 10-point lead sa first quarter dahilan para mahirapan agad na makahabol ang Greenies.

Sinandalan ng Junior Altas ang matikas na opensa ni Louie Rosales matapos magtala ng 21 points, tatlong rebounds at tig-isang assist at steal para makuha ang magaan na panalo.

Nag-ambag naman si Kurt Patalinghug ng 15 mar­kers, anim na assists at tig-dalawang steals at assists para sa UPHSD.

Ang ibang umiskor ng duble digits para sa Junior Altas ay sina Brian Orca Jr. na may 15 points, limang boards, Lord Dulanas na kumana ng 12 puntos at siyam na boards, Arkin Cristobal na nirehistro ang 11 points habang 10 points ang kay Brent Rosales.

Nanguna sa LSGH si Jaime Hizon na may 23 puntos, limang boards at tatlong assists.

Samantala, wagi naman ang Emilio Aguinaldo College Brigadiers sa Jose Rizal University Light Bombers, 87-80.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with