Jokic, Murray inilusot Nuggets sa OT
CHICAGO – Nagkuwintas si Nikola Jokic ng 37 points, 18 rebounds at 11 assists para sa kanyang ika-202 triple double at iniskor ni Jamal Murray ang walo sa kanyang season-high 45 points sa overtime sa 151-145 pagtakas ng Denver Nuggets kontra sa Bulls.
Lumapit si Jokic sa NBA record na 209 career triple-doubles ni Russell Westbrook.
Tumipa naman si Murray ng 13-for-22 field goal shooting, 6-for-11 clip sa three-point range at 13-for-14 sa free-throw line para sa Denver (10-5).
Bumira si Buddy Hield ng 33 points para sa Chicago (4-12) na nakahugot kay Josh Giddey ng triple-double na 23 points, 14 rebounds at career-high 22 assists.
Inagaw ni Hield ang bola mula kay Jokic sa huling pitong segundo ng regulation na nagresulta sa layup ni Giddey para itabla ang Bulls sa 131-131 at burahin ang isang seven-point deficit sa huling 40 segundo patungo sa overtime.
Bumira si Murray ng walong puntos sa extra period para tulungan ang Nuggets na maagaw ang panalo.
Sa iba pang laro, dinagit ng Atlanta Hawks ang Detroit Pistons, 107-97; wagi ang Washington Wizards sa Orlando Magic, 116-96; lusot ang Dallas Mavericks sa Utah Jazz, 116-114; panalo ang New York Knicks sa Indiana Pacers, 113-106; at umeskapo ang Golden State Warriors sa Boston Celtics, 88-87.
- Latest
















