^

PM Sports

NU na-pressure vs FEU — Belen

Chris Co - Pang-masa
NU na-pressure vs FEU � Belen
NU's Bella Belen
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines — Aminado si National University outside hitter Bella Belen na na-pressure ang kanilang tropa sa laban nito kontra sa Far Eastern University.

Lumasap ang Lady Bulldogs ng masaklap na 23-25, 17-25, 23-25 kabiguan sa Lady Tamaraws sa UAAP Season 86 women’s volleyball Final Four noong Sabado.

Masuwerte ang NU dahil armado ito ng twice-to-beat card at manatiling buhay pa ang tsansa nito para makapasok sa finals.

“Parati ko lang nireremind yung teammates ko na hindi kami dapat ma-pressure dahil pag natalo namin ang FEU, eliminated na sila. Dapat sila ang mas ma-pressure kesa sa amin,” ani Belen.

Pero hindi ito ang nangyari.

“In the end kami yung na-pressure. Hindi kami nag-eenjoy sa game, marami kaming errors, miscommunications,” ani Belen.

Dahil dito, balik sa drawing board ang Lady Bulldogs.

Binabalangkas na ng NU ang malakas na pagresbak upang makabalik sa finals.

Nagtala ang Lady Bulldogs ng 25 errors sa buong panahon ng laro katumbas na ito ng isang buong set.

Nalimitahan din si Belen sa 12 puntos habang nagkasya lamang sa tig-walong puntos sina Alyssa Solomon at Vangie Alinsug.

“Hindi naman kami nawawalan ng pag-asa. Kilala ko ang mga teammates ko at alam ko ang mga kakayahan nila. Babawi kami,” ani Belen.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with