^

PM Sports

Kuya, kuwentuhan tayo

BALL FACTOR - Carmela Villena - Pang-masa

Hindi ko na maalala ang huling kuwentuhan namin ng Kuya Rollie ko.

Dito na lang ako magkukuwento sa kanya.

Kuya, playoffs na ‘yung NBA, nasa conference semifinals na ng Western Conference ang Dallas Mavericks katapat ang Oklahoma City Thunder tapos sa kabila, Minnesota Timberwolves kontra sa Denver Nuggets.

Sa East, kasado na ang laban ng Indiana Pacers at New York Knicks, habang naghihintay naman ng kalaban ang Boston Celtics sa mananalo sa pagitan ng Cleveland Cavaliers at Orlando Magic.

Naku, ang bayaw mong si Gilbert, tutuk na tutok sa TV sa panonood ng mga laro at minamanok niya ang Nuggets na makapasok ng conference finals para sa tsansang umusad sa NBA finals.

Akala mo nasa venue talaga ng game, pasigaw-sigaw at sumasabay pa sa cheer ng crowd sa TV.

Ganyan kasi sila dito sa States, mga sports fanatic, paborito nila ang NFL (American football), MBL (Major Baseball League) at siyempre ang NBA.

Huli tayong nagkita Kuya nu’ng bago ako umalis papuntang Texas last year pero ‘di tayo nakapagkuwentuhan. ‘Pag nagkita uli tayo, madami akong ikukuwento sa’yo.

(Yumao ang kuya ko, Rolando Villena, noong Abril 28 sa edad na 66. Maraming salamat po sa lahat ng nakiramay at nagdasal)

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with