Umangat ang Azkals
MANILA, Philippines - Positibo ang pagsalubong ng Philippine Azkals sa 2015 nang umakyat ng isang puwesto sa FIFA ranking.
Noong Enero 8 lumabas ang panibagong rankings ng mga kasaping bansa at ang Pilipinas ay nalagay sa ika-129th puwesto upang higitan ang 130th ranking noong Dis-yembre, 2014.
Kasalo ng bansa sa puwesto ang Aruba.
Ang kasalukuyang puwesto ng national booters ay kapos lamang ng da-lawa para pantayan ang pinakamataas na ranking na nakuha ng bansa na nasa 127th puwesto noong Disyembre, 2013.
Bunga nito ay napanatili pa rin ng bansa ang pa-ngunguna sa hanay ng mga South East Asian countries.
Nasa ikalawang puwesto ang Vietnam na nalagay sa 133rd pero ang bansa ang may pinakamagandang iniakyat dahil 4-baytang ang kanilang tinalon. (AT)
- Latest