Cavs puro na sa sweep sa Heat
MIAMI — Umiskor si Jarrett Allen ng 22 points habang may 21 markers si De’Andre Hunter para gabayan ang Cleveland Cavaliers sa 124-87 pagpapalamig sa Heat sa Game Three at kunin ang 3-0 lead sa kanilang Eastern Conference first-round series.
Nagdagdag si Donovan Mitchell ng 13 points mula sa mahinang 4-for-14 field goal shooting sa ikatlong sunod na ratsada ng Cleveland sa kanilang best-of-seven showdown ng Miami.
Isang 33-5 ratsada ang kaagad ginawa ng Cavaliers at humakot ng 46 rebounds kumpara sa 29 ng Heat.
Naglista si Bam Adebayo ng 22 points para sa Miami kasunod ang 16 markers ni Davion Mitchell.
Sa Memphis, bumanat si MVP finalist Shai Gilgeous-Alexander ng 38 points para pamunuan ang Oklahoma City Thunder sa 117-115 panalo sa Game Four at kumpletuhin ang 4-0 sweep sa Grizzlies sa West.
Sa San Francisco, nagsalpak si Stephen Curry ng 36 points bukod sa 9 assists at 7 rebounds sa 104-93 panalo ng Golden State Warriors sa Houston Rockets sa Game Three at agawin ang 2-1 abante sa kanilang serye.
Sa Inglewood, ipinasok ni Aaron Gordon ang buzzer beating-winning slam dunk para sa 101-99 pagtakas ng Denver Nuggets sa Los Angeles Clippers sa Game Three at itabla ang kanilang duwelo sa 2-2.
- Latest