^

Bansa

Rep. Adiong kay VP Sara Bigas sa Duterte admin P70/kilo, may bukbok pa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Rep. Adiong kay VP Sara Bigas sa Duterte admin P70/kilo, may bukbok pa
Sinabi ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, na kakatawa na nakukuhang mamintas ni VP Sara na siraan ang programa ng administrasyon gayong malaking ginhawa at tulong ito para sa mga ordinaryong pamilyang Pinoy.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ipinaalala ng isang mambabatas kay Vice President Sara Duterte na sa panahon ng ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay tumaas sa P70 kilo ang bigas habang nakapasok rin sa merkado ang may bukbok na mga imported rice.

Sinabi ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, na kakatawa na nakukuhang mamintas ni VP Sara na siraan ang programa ng administrasyon gayong malaking ginhawa at tulong ito para sa mga ordinaryong pamilyang Pinoy.

“It is ironic that the Vice President is mocking efforts to lower rice prices to P20 per kilo when, during the administration of her father, rice prices even soared to P70 per kilo in some areas,” ayon kay Adiong.

“It was under the Duterte government that we saw imported rice shipments infested with bukbok, when her father’s appointed Agriculture Secretary, Manny Piñol, oversaw rice importation. Before pointing fingers, it would be better for her to look back at the failures of the administration she proudly represents,” saad ng solon.

Reaksiyon ito ni Adiong sa pahayag ni VP Sara na “too late” na ang programang magbenta ng P20 kada kilo ng bigas sa Visayas.

Binigyang diin ni Adiong na ang komento ni VP Sara ay nagpapaalala lamang sa paghihirap ng mamamayang Pilipino sa ilalim ng nakalipas na administrasyon lalo na sa panahong sumirit ang bigas sa P70 kada kilo at naging krisis ang food security.

RICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with