^

Bansa

VP Sara sinopla ng Palasyo sa pagkwestyon sa P20 bigas

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
VP Sara sinopla ng Palasyo sa pagkwestyon sa P20 bigas
Vice President Sara Duterte faces the media at the headquarters of the Office of the Vice President, hours after holding a thanksgiving lunch with them, Dec. 11, 2024.
Philstar.com / Martin Ramos

MANILA, Philippines — Sinopla ng Malakanyang si Vice President Sara Duterte dahil sa pagkwestyon nito sa timing nang pagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas, ilang linggo bago ang midterm elections sa May 12.

Giit ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, walang timing ang pagbibigay ng ayuda sa politika, at ito ay ibibigay sa taong nangangailangan lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan.

Dagdag pa ni Castro, walang kinalaman ang pulitika sa pagbebenta ng P20 per kilo ng bigas at ginagawan lamang ng malisya ng iba upang magkaroon ng negatibong epekto ang programa ng gobyerno para sa murang bigas.

Hanggang kaya ng gobyerno, sinabi ni Castro na ibibigay ang tulong sa pinakamaagang panahon at wala aniyang pulitika sa hakbanging ito. 

Sinabi pa ni Castro na hindi magagawa lamang sa isang kumpas ng kamay ang P20 per kilo rice program dahil kailangang dumaan ito sa masusing pagsusuri at masigurong maayos at pulido ang ­implementasyon nito.

RICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with