Bata Reyes iwinagayway ang kanyang ‘Magic’ sa Derby City
MANILA, Philippines - Inilabas ni Efren “Bata†Reyes ang dating maÂtikas na porma nang pagharian ang 16th Derby City Classic One Pocket Division na ginawa sa Horseshoe Southern InÂdiaÂna, Elizabeth, USA.
Hindi pinaporma ng 59-anyos na bilyarista si Shannon Daulton ng US sa finals tungo sa 3-1 panalo at kunin ang kampeonato ng hindi nakakalasap ng isang pagkatalo.
Ito ang pinakamalaÂking panalo ni Reyes maÂtapos ang apat na torneo sa taon at ang One Pocket title ay kanyang ikaanim pero noon pang 2007 huli siyang nagkampeon dito.
Para maabot ang finals, dinaig ni Reyes ang kababayan at DCC 9-Ball Banks division champion Dennis Orcollo sa mahigpitang 3-2 iskor.
Si Francisco BustaÂmanÂte ay nakaharap si Scott Frost ng US at miÂnalas siyang yumuko sa 1-3 iskor.
Nagkaroon ng re-draw kina Reyes, Frost at Shannon na nag-bye sa round 12 at kumapit ang suwerte kay Reyes na nabigyan ng pagkakataon na umabante na sa finals.
Dahil hindi pa nataÂtalo ay hawak pa niya ang buy-back option upang magkaroon siya ng ‘twice-to-beat’ advantage kay Shannon na nanaig kay Frost.
Halagang $12,000.00 ang premyong napanalunan ng tubong Angeles City na si Reyes at palaban pa siya para sa 2014 Master of the Table tulad ni Orcollo.
Si Daulton ay mayroÂong $6,000.00 gantimpala, si Frost ay mayroong $3,355.00, habang sina Orcollo at Bustamante ay nakuntento sa tig-$2,200.00 na premyo.
- Latest