^

PSN Showbiz

Zanjoe at Ria, inaming mag-asawa na!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Zanjoe at Ria, inaming mag-asawa na!
Zanjoe Marudo at Ria Atayde

Tama nga ang timbre sa amin ng aming reliable source tungkol sa nakatakdang pagpapakasal nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.

May nagsabi rin sa aming pinabakante raw ni Zanjoe ang schedule niya last week hanggang early this week.

Kahapon lang ipinost ni Zanjoe sa kanyang Instagram account ang mga pictures nila ni Ria na kuha sa kanilang wedding.

Nasa caption nito; “3.23.24 Happy Birthday MY WIFE (heart emoji).”

Sandali ko pang nakatsikahan si Sylvia Sanchez sa pocket presscon sa actress/director na si Isabel Sandoval, at ang tipid lang ng sagot niya nang tinanong ko kung totoong ikakasal na sina Ria at Zanjoe.  “Tagal pa,” matipid niyang sagot.

Kahit sa Instagram niya ay walang ipinost si Sylvia para sa kanyang anak.

Binati lang niya ito sa kanyang kaarawan : “Happy ako sobra dahil happy ka (smile emoji). Happiest birthday my Potpot @ria Love u so much.”

Maaring isinabay ito sa birthday ni Ria ang kanilang kasal.

Ang inaabangan ngayon ay ang pahayag nila kung totoong nagdadalangtao na nga ba si Ria.

Medyo malusog siya sa mga kuha niya at parang malaki ang tiyan. Kaya kahit itinanggi ng kapatid ni Ria ang tungkol sa kanyang pagbubuntis, nagdududa pa rin ang mga netizens na baka buntis talaga ito.

Abangan na lang natin!

Showtime hosts, sasabak sa Family Feud

Nakabawi sa ratings ang Family Feud nung Biyernes, ang huling araw ng selebras­yon ng kanilang 2nd anniversary.

Naglaro ang mga taga-Walang Tulugan na sina Ken Chan, Jak Roberto, Buboy Villar, at Yasser Mata. Kalaban ang Sparkle 10 na sina Rabiya Mateo, Faith da Silva, Lianne Valentin, at Ashley Ortega.

Obvious na natuwa ang mga manonood sa ilang tagpo sa episode na iyun na kung saan umabot ng 11M views sa Facebook ang tanong ni Dingdong kay Faith na ‘“bukod sa shampoo’t sabon, ano pa ang gamit sa panligo,’ ang bilis ng sagot ni Faith ng “kamay”. Paano raw maipanliligo ang paa.

Naka-6M views naman sa Facebook yung na-prank sina Ken at Yasser na naglaro sa final round.

Tumaas ang rating nila naka-9.1 percent.

Pero mas exciting ang susunod na mga episodes ng natu­rang game show.’ Ang isa sa aabangan ay ang paglalaro ng mga hosts ng It’s Showtime.

Nag-taping na sila nung nakaraang linggo na kung saan naglaban ang Vice Ganda team versus Anne Curtis team.

Kasama ni Vice Ganda sina Jhong Hilario, Amy Perez, at Jugz Jugueta.

Si Anne naman kasama sina Vhong Navarro, Ogie Alcasid, at Teddy Corpuz.

Riot daw ang episode na ito na kung saan wagas daw ang okrayan at dautan nila sa isa’t-isa.

Mapapanood ito sa April 8 pagkatapos ng pagsisimula ng It’s Showtime sa GMA 7.

Samantala, kaabang-abang sa April 6 dahil bukod sa GMA 7, meron din sa GTV ang It’s Showtime, kaya challenge ito sa Eat Bulaga kung mapapanatili nilang number one noontime show sila.

vuukle comment

RIA ATAYDE

ZANJOE MARUDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with