^

PSN Showbiz

Bela, binuking ang bagong nagpapasaya kay Kim!

Vinia Vivar - Pilipino Star Ngayon
Bela, binuking ang bagong nagpapasaya kay Kim!
Kim Chiu, Bela Padilla at Vice Ganda

Nagkaiyakan sa It’s Showtime kahapon sa birthday tribute para kay Kim Chiu ng programa.

Sa nasabing noontime show ay isa-isang nagbigay ng birthday message para kay Kim ang kanyang It’s Showtime family. Narooon din ate Lakam ni Kim na talagang sinorpresa pa ang kapatid sa kanyang production numbers kasama sina Bela Padilla at Kaladkaren.

Nang nagbibigay na ng birthday message ang co-hosts niya ay nagsimula nang maging emosyonal ni Kim.

Nagsimulang mapaiyak si Kim sa message ni Vhong Navarro na naging emosyonal din habang sinasabi na never siyang iniwan ni Kimmy noong time na down siya.

“Kasi nu’ng down ako, nandu’n ka, eh,” naiiyak na sabi ni Vhong. “Hindi mo ‘ko pinabayaan do’n. May mga request ako sa ‘yong binigay mo na dapat, hindi mo na kailangang gawin pero dahil nanatili ‘yung pagiging magkaibigan natin, nandu’n ka to support me. Kaya anytime na kailangan mo ako, andito lang ako. I love you,” ang tagos sa pusong mensahe ni Vhong.

Na-touch din si Chinita Princess sa sinabi ni Anne Curtis na bukod daw kay ate Lakam ni Kim ay naririto rin siya para maging ate nito.

Wagas din ang pagluha ni Kim sa birthday message ni Vice Ganda for her.

“Mahal na mahal kita,” ani Vice. “Hangga’t kaya ko, ipaparamdam ko sa ‘yo ‘yun. Gusto kong maramdaman mo na minamahal ka kasi masarap sa pakiramdam ‘yun eh. Gusto ko, maramdaman mo ‘yung pakiramdam na ‘yun ulit. At hindi matatapos na nararamdaman mo ‘yun, na minamahal ka. Kasi kamahal-mahal ka. At mahal kita talaga.”

Siyempre, naging emosyonal pareho ang magkapatid na Kim at Lakam sa birthday message ng huli.

“As we all know, lahat naman tayo, alam natin how big ang puso ni Kimmy. ‘Eto lang masasabi ko, mahal kita. I know words are kulang to say thank you but we’ll always be here for you,” sabi ni Kam.

Pero nakakatuwa naman ang sinabi ni Bela na very happy right now si Kim.

“Sobrang saya ni Kim Chiu right now,” ani Bela.

Kung bakit masaya si Kim ngayon, ‘yan ang malaking tanong. May tao bang nagpapasaya sa aktres ngayon?

vuukle comment

ACTRESS

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with