^

PSN Showbiz

Sarah, ‘di pa handang magnegosyo ng pagkain!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sarah, �di pa handang magnegosyo ng pagkain!
Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

Kasagsagan ng pandemya sa bansa nang mahiligan ni Sarah Geronimo ang baking. Taong 2022 naman nang makapagtapos ang Popstar Royalty ng The Essential Baking and Pastry Series sa Heny Sison Culinary School. “My passion is for baking. Talagang na-intrigue ako, though nakakapag-bake naman ako following the recipes I see on YouTube. Pero siyempre gusto kong matutunan ‘yung proper techniques. ‘Yung consis­tency, siyempre ‘yon ang mahalaga in baking. Noong nag-lockdown nag-try na ako ng recipes sa YouTube. Ah kaya naman pala, kakayanin naman pala,” kwento ni Sarah sa YouTube channel ng asawang si Matteo Guidicelli.

Ayon sa singer-actress ay ang mister ang naging inspirasyon kaya nagkaroon ng interes sa baking. “Kasi si­yempre gusto ko kapag mag-bake ako ay magustuhan mo (Matteo). Sana makapag-create rin ako ng recipe na masarap din at magugustuhan ng mga tao. Kasi happiness ko ‘yon. Kapag tumitikim ng ginagawa ko ay nasasarapan, ‘Oy! Ang sarap naman,’ Tapos balik-balik silang kukuha, kakain,” paglalahad niya.

Ngayon ay nagpaplano nang magkaroon ng sariling food business si Sarah.

Biniro pa ni Matteo ang singer-actress na tatawagin nilang ‘Sarah All’ ang magiging negosyo. “Matagal pa ‘yon, hesitant pa ako kasi siyempre, love, kapag sinabi mong food business, kailangang maayos na maayos kasi kinakain ‘yan ng tao, ‘di ba? I wanted eventually to make it a business, ‘di ba? Kasi siyempre sayang din naman ‘yung na-acquire na knowledge at natutunan mo through experience and formal training kung kayo-kayo lang within your family lang ang masi-share mo ng baked goods mo or cooking mo,” nakangiting pahayag ng Popstar Royalty.

Darren, sinisingit ang pahinga

Bukas na gaganapin sa Zoom Club sa Frankfurt, Germany ang Showstoppers concert ni Darren Espanto.

Sobrang excited ng singer dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na makapagtatanghal para sa mga kababayan nating nasa Germany. “It’s my first time to be in Germany and to do a show in Germany as well. So excited po ako mag-perform for all our Kapamilyas there. Especially since I’m with my very good friend, Ate Morissette (Amon). Actually, ito pong concert na ‘to is really a collaboration of ate Morissette and I with TFC. Batuhan lang talaga ng ideas namin. It’s really a mix of our generation and also ‘yung mga classic OPM hits din. So, it’s really a concert for everyone,” nakangiting pahayag ni Darren sa ABS-CBN News.

Puspusan na rin ang ginagawang paghahanda ng singer para sa kanyang D10 concert na gaganapin naman sa Araneta Coliseum sa June 1. Bahagi ito ng selebrasyon ni Darren para sa kanyang ika-sampung anibersaryo sa show business. “We started rehearsing po and I’m very excited. Kasama ko po diyan si sir Gary Valenciano, Sarah Geronimo, Vice Ganda, Ogie Alcasid, Erik Santos and Lyca Gairanod. So sana po ay suportahan n’yo ‘yan,” pagdedetalye ng binata.

Kapag walang trabaho ay sinisikap umanong makapagpahinga ni Darren. Para sa singer ay kinakailangang ingatan ang sarili upang magawa ang kabi-kabilang proyekto “Tulog lang po talaga. Kailangan ng proper rest after ng mga ganap. And also, time to unwind for myself. Kasi importante din po ‘yon eh. Lahat naman tayo kailangan ng time to rest at vitamins,” pagtatapos ng singer. (Reports from JCC)

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with