^

PSN Showbiz

Bong, may madidiskubreng ahas

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bong, may madidiskubreng ahas
Sen. Bong Revilla at mga anak

Parang mabilis gumaling si Sen. Bong Revilla. Sa kanyang mga post, makikita ngang nasa wheelchair pa siya at naka-bandage ang inoperang paa. Pero malakas na ulit ang hitsura. Baka nga malaking bagay na inaalagaan siya ni Rep. Lani Mercado.

Anyway, lalong namang umiinit ang mga action-packed na kaganapan kay Tolome (Sen. Bong Revilla) dahil malapit na niyang malaman ang isang pasabog na sikretong magbabago ng kanyang buhay sa huling dalawang linggo ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. Matapos madisgrasya si Msgt. Pretty Competente sa isang organized hit and run, desidido ngayon si Tolome na gawin ang lahat upang hanapin kung sino ang may pakana nito. Sa isang ‘di inaasahang twist na gugulat kay Tolome, isa pala sa pinakamalapit niyang katiwala ang utak sa krimen na nag-iwan kay Msgt. Pretty sa ospital. Madidiskubre na kaya ni Tolome ang ahas na matagal nang nagtatago sa kanyang poder? Ano naman kaya ang maisisiwalat na sikreto ni Capt. Ace Catacutan na magbabago sa takbo ng misyon ni Tolome?

Mapapanood ang mas mabibigat na aksyon at emosyonal na eksena mula sa susunod na episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, ngayong Linggo, 7:15 p.m. sa GMA Network.

vuukle comment

ACTOR

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with