^

PSN Showbiz

Julia, inaming nasaktan si Bea!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Julia, inaming nasaktan si Bea!
Julia Barretto

Inamin ni Julia Barretto na natuto siya sa naging hiwalayan nila ni Joshua Garcia at kanyang ginamit sa relasyon nila ni Gerald Anderson.

Masyado raw silang naging open ni Joshua sa relasyon nila sa publiko noon kaya marami ang nakialam.

 “May say lahat. But we were young, okay lang. And then you learn how to take care of your next one,” sey ng daughter ni Marjorie Barretto sa latest interview niya kay Toni Gonzaga sa Toni Talks vlog.

Kaya natutunan niya kung paano protektahan ang isang relasyon at huwag masyadong maging possessive sa partner.

“No. 1, basic, don’t overshare. Be protective of your partnership. Don’t let everybody in. An then, young 2nd siguro is don’t be possessive over a person. Just be partner. Be a supportive partner. Hindi siya ownership pala.

“Kasi when you’re in a relationship with your love team, you feel like you own each other in the relationship and then, even at work. So, parang you both probably don’t feel like you can fly or explore,” mahabang paliwanag ni Julia.

Isa nga rin sa napag-usapan nila ang kontrobersiyang pinagdaanan niya noong 2019 na hindi na binanggit pero common knowledge na ito ‘yung time na inakusahan siya na third party sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson. At that time ay 22 years old lang daw siya.

Nang tanungin kung paano niya nga ito kinaya, hindi na rin daw niya alam kung paano.

Pero inamin naman niyang may nasaktan siyang ibang tao.

“Personally, I am sure that I had a role in somebody else’s pain, in other people’s pains in the same way that they also have contributed to my pain but I think you know na okay ka na when you already acknowledge na you know, ‘baka I have a role in this. Baka may shortcomings din naman talaga ‘ko, baka I really did something that hurt somebody,’” she said.

Inamin din niyang talagang nasaktan siya nang sobra ng mga panahong ‘yun.

Nang tanungin kung ano ang naging role ni Gerald nu’ng time na ‘yun, aniya ay hindi pa raw sila noon kaya kanya-kanya raw nilang pinagdaanan on their own ang intriga.

Nang maging sila na ay panibagong intriga rin naman ang kanilang pinagdaanan at nalampasan naman nila ito.

Mas tahimik na nga ang aktres sa relasyon nila ng aktor kaya madalas silang maintriga na hiwalay na.

vuukle comment

ACTRESS

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with