^

PSN Showbiz

Daniel, nagpakain ng mga hayop sa birthday celeb!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Daniel, nagpakain ng mga hayop sa birthday celeb!
Daniel Padilla

Masaya si Daniel Padilla na dumating sa animal shelter sa Pampanga nung Biyernes.

Doon niya sinelebrayt ang kanyang 29th birthday, pero ayaw pala niyang i-post o ipa-cover sa media.

May ilang kaibigang press na sumama sa grupo ng solid fans ng aktor, pero tumanggi siyang magpa-interview.

Natuwa ang mga nangangasiwa sa animal shelter na ‘yun sa Arayat, Pampanga dahil bago pa lang pala sila, hindi pa talaga naayos ang tinutuluyan ng mga aso at pusa.

Ilang sakong mga dog at cat food ang dala ni Daniel, mga gamot, treats, at nagdala siya ng mga veterinarian para ma-check ang mga hayop.

Wala raw kaarte-arte si Daniel na talagang tumutulong siyang nagpapakain sa mga hayop.

May ilang asong pinaliguan daw nila na talagang tumulong daw si Daniel.

Nakita raw nila kung gaano kasaya ang Kapamilya actor na doon niya sinelebrayt ang kanyang kaarawan.

Sobrang happy raw ng fans niya na si Daniel pa raw mismo ang nagkukuha ng litrato sa mga ito.

Walang nangahas na nagtanong sa aktor kung nabati ba siya ni Kathryn Bernardo.

Naloka pa raw sila sa ilang tagaroon na meron pang nagtanong kay Daniel at hinanap si Kathryn.

Wala silang kaalam-alam sa mga nangyari. Pero suma total, ang daming napasaya ni Daniel sa kanyang kaarawan.

Ang latest na narinig namin, isang action-drama raw ang gagawin niyang teleserye sa ABS-CBN na pagsasamahan daw nila ni Richard Gutierrez.

Panahon na rin naman na magkaroon ng sariling show si Daniel na hindi na kagaya ng dating ginagawa nila ni Kathryn.

Kailangan na ring mag-level up siya into a mature role.

Stage director at playwright Floy Quintos, pumanaw sa heart attack!

Isang nakakagulat at malungkot na balitang nasagap namin kahapon, ang pagpanaw ng magaling na stage director at playwright na si direk Floy Quintos.

Si direk Floy ang director at head writer ng Startalk na dalawampung taon ding namayagpag sa ere sa GMA 7.

Halos siyam na taon nang wala ang Startalk, tuloy pa rin ang komunikasyon namin ni direk Floy at ng ibang taga-Startalk.

May inaayos pa kaming isang pagtitipon na magkikita-kita kaming lahat, hindi namin akalaing magkikita kami sa kanyang burol.

Ang huling palitan namin ng mensahe ni direk Floy ay inaayos niya sana ang pagdalaw ni Gabby Concepcion sa dating manager niyang si Manay Lolit Solis na nagpapa-dialysis twice a week.

Nagtanong sa akin si direk kung puwede raw bang dumalaw si Gabby, dahil nag-aalala raw ang aktor at baka hindi raw siya welcome.

Sinabi ko namang puwede naman kung gusto niyang dumalaw.

Hindi pa nangyari at hindi na nakapag-message sa akin si direk Floy tungkol dito.

Ayon sa inilabas na statement ng pamilya, heart attack daw ang sanhi ng pagpanaw ni direk Floy, na nagsimula raw nang na-heat stroke siya.

Kaya kailangan talaga nating mag-ingat sa ngayong napakainit pa rin talaga ng panahon.

Nakikiramay po kami sa pamilyang naiwan ni direk Floy.

Tiyak na nagluluksa ang GMA 7 sa pagpanaw ng magaling na manunulat at director ng iba’t-ibang programa ng Kapuso network.

 

vuukle comment

ACTOR

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with