^

PSN Showbiz

David, consistent sa pangarap kay Kathryn!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
David, consistent sa pangarap kay Kathryn!
David Licauco

Nagtampo ang ilang BarDa fans nina Barbie Forteza at David Licauco dahil sa naging pahayag ng aktor na gusto niyang makagawa ng pelikula sa Star Cinema at makapareha si Kathryn Bernardo. Matindi ang tampo ng ibang fans, ayaw na raw nila sa BarDa at si Barbie na lang ang susuportahan nila.

May mga nagtanong pa kay David kung hindi ba niya pinangarap makagawa ng movie sa GMA Pictures at gustong sa Star Ci­nema siya gumawa ng movie. Isa pang tanong ng fan, hindi na ba siya happy sa love team nila?

Ito ang pahayag nito na ipinagtampo ng ilang BarDa fans na actually, wala namang masama. Consistent siya dahil lagi niya itong isinasagot kapag natatanong.

“Ang dream ko talaga is magkaroon ng Star Cinema movie. ‘Yun ‘yung dream ko. Siguro para magkaroon sila ng interes sa akin, siguro kailangan ko pang pagbutihin pa ‘yung pag- acting ko para balang araw. Gagalingan ko dito so that I can at least submit a case for them na tipong, ‘Hey, maybe you can try me out as one of your actors sa Star Cinema?” sabi ito ni David.

Ipinagtampo rin ng ilang BarDa fans ang sinabi niya na gusto niyang makasama sa pelikula si Kathryn Bernardo. Again, matagal na itong dream ni David at nakuwento na nga na Kathryn fan siya at lahat ng pelikula nito ay kanyang pinapanood.

Wala ring masama rito, natanong siya at sinagot lang. Malay natin at magkatotoo at kapag nangyari ‘yun, pati si Barbie matutuwa para sa kanya. Kaya chill lang BarDa fans, ‘wag masyadong pusong mammon.

Si Barbie pa rin naman ang nakakapareha niya sa mga ginagawa niyang project ngayon, kasama ang Pulang Araw na malapit nang mapanood. May movie pa sila at may mga endorsement pa.

Sarah, inunahan si Richard sa birthday ni Zion

Sa birthday ng eldest son nina Richard Gutierrez at  Sarah Lahbati na si Zion, naunang mag-celebrate ng birthday ng anak si Sarah. Nag-post siya sa kanyang IG story ng “Today we celebrate Zion’s 11th birthday... he wanted his theme to be One Piece anime. Thank you, @honeyglazecakes I can’t wait to see his reaction later when he sees this cake.”

Wala pa siyang pinost kung paano ang naging birthday celebration ni Zion na ginawa sa kanilang bahay, gaya ng birthday ni Kai. Ang mom ni Sarah na si Esther Lahbati, fish para sa aquarium ni Zion ang birthday gift sa apo.

Wala pang balita kung paano ang birthday celebration ni Richard para kay Zion. Kung naalala ninyo, sa birthday ni Kai, sa isang restaurant sa Alabang ginawa ang party. Pero, nagkaroon ng birthday celebration sa school ni Zion.

In fairness, may advantage kung hiwalay ang parents ng mga nagbi-birthday dahil dalawa ang birthday party. Magiging tatlo pa nga ang birthday party kung may magbibigay pa ng party.

Bean ni Angelica, may sepanx sa chuchu ni Juday

Napa-comment si Judy Ann Santos sa video post ni Angelica Panganiban na umiiyak ang anak na si Bean at hinahanap si Lucho, ang anak nina Judy Ann at Ryan Agoncillo. “Kuya ChuChu” pa nga ang tawag ni Bean kay Lucho na talagang umiiyak.

Sabi ni Angelica, “Hi ate @officialjuday buong araw na hinahanap sakin si Kuya Chuchu.” Sagot ni Judy Ann, “Aawww... we miss you too beany bean. Bean! Best child actress ka na agad agad! Naipasa mo na ang korona cindy! @iamangelica.”

Ang Cindy na tinukoy nito ay ang pangalan ng karakter ni Angelica sa pinagsamahan nilang pelikula na Ang Dalawang Mrs. Reyes. Ang nasabi ring pelikula ang naging daan para sila ay maging close at heto, pati mga anak nila close na rin.

vuukle comment

ACTOR

DAVID LICAUCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with