^

PSN Showbiz

Glydel at Tonton, muntik maudlot ang love story dahil kay Annabelle!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Glydel at Tonton, muntik maudlot ang love story dahil kay Annabelle!
Glydel Mercado at Tonton Gutierrez.

Muntik na raw palang hindi magkatuluyan ang celebrity couple na sina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez.

Ikinuwento ng aktres sa Fast Talk with Boy Abunda na nangyari raw iyon nang dahil sa talent manager niya na si Annabelle Rama.

Naging manager niya ang nanay ni Richard Gutierrez sa variety show na That’s Entertainment pero dahil nga nakaaway ni Annabelle ang mommy niya ay natigil ang pagiging manager niya roon.

Matapos iyon ay nagkatrabaho sila ni Tonton sa seryeng Del Tierro. Alam daw niyang mainit pa ang dugo ni Annabelle sa kanya kaya parang sinabihan daw nito ang aktor na huwag siyang liligawan.

Hindi naman daw alam ni Tonton ang pangyayaring iyon sa pagitan ng kanyang misis ngayon at kanyang stepmother kay Eddie Gutierrez.

Pero bati na raw sina Glydel at Annabelle ngayon.

Ayon kina Glydel at Tonton ay naging una silang magkatambal sa Del Tierro pero hindi pa naman daw sila interesado sa isa’t isa dahil may non-showbiz boyfriend pa raw noon ang aktres.

Trabaho lamang daw talaga ang iniisip nila noon pero nang mag-break na raw sina Glydel at kanyang boyfriend ay doon na niya napansin na tinutukso na sila sa isa’t isa.

At tila pakonti-konti na silang nagkakadebelopan at napansin niya na may instances na hindi makapag-dialogue ang aktor tuwing magkarap sila.

Na inamin din ni Tonton na hindi raw siya makatingin sa mata ni Glydel.

Naging interesado raw ang aktor sa pagi­ging tahimik nito. At doon na nga nabuo ang kanilang love story. Bongga.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

GLYDEL MERCADO

TONTON GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with