Pagtataguyod sa kababaihang nasa laylayan ng lipunan, itinulak

MANILA, Philippines — Sa pagsuporta sa mga programa ng Philippine Commission on Women (PCW) para sa National Women’s Month, muling pinagtibay ng Trabaho Partylist ang kanilang pangako na tugunan ang mga sistematikong balakid na kinakaharap ng mga kababaihang nasa laylayan ng lipunan, lalo na sa larangan ng trabaho.
Binibigyang-diin ang kahalagahan ng gender inclusivity at ang pangangailangan ng mga patakarang magpapalakas sa kababaihan, partikular na sa mga mahihirap at hindi gaanong napaglilingkurang sektor.
Ayon kay Trabaho spokesperson Atty. Mitchell-David L. Espiritu, pangunahing adbokasiya ng partido ang pagsusulong ng mga patakarang tutugon sa pangangailangan ng mga kababaihang mahihirap, na patuloy na nakararanas ng matinding hamon sa larangan ng ekonomiya, lipunan, at politika.
Bagama’t bumubuo ng malaking bahagi ng labor force ang kababaihan, marami pa rin ang nakararanas ng mababang sahod, limitadong oportunidad sa promosyon, at kawalan ng seguridad sa trabaho, lalo na sa sektor ng magsasaka, katutubo, at maralitang tagalungsod.
- Latest