^

Bansa

Mayor Baste paawa sa taumbayan – Castro

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Mayor Baste paawa sa taumbayan � Castro
Davao City Mayor Sebastian Duterte delivers a speech during a ‘solidarity walk’ in the city’s Rizal Park on March 16, 2025, wherein he lambasted President Marcos.
Photo courtesy of PPP

MANILA, Philippines — Itinanggi ng Palasyo na sini-single out at target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamilya Duterte.

Ito ang sagot ng Malakanyang matapos ang Facebook live kama­kalawa ng gabi ni Davao City Mayor Baste Duterte kung saan nilarawan niya na sini-single out sila at target sila ng Presidente.

Paliwanag ni Palace Press officer Undersecretary Atty. Claire Castro, na ang warrant of arrest ay para lamang kay ­dating pangulong ­Rodrigo Duterte bilang isang indirect co-perpetrator.

Tanong ni Castro, nais pa ba ni Mayor Duterte na hindi lamang ang kanyang ama ang maaresto dahil may mga kasabwat pa siya.

Naniniwala naman si Castro na nais lamang iparating ng Alkalde ng Davao sa taumbayan na kawawa na ang mga Duterte.

Wala rin aniyang sini-single out dahil ang mga kaso tungkol sa crimes against humanity ay kagagawan din ng ama ni Mayor Duterte na ibinibintang sa kanila.

Itinanggi rin ni Castro na diversionary tactics ng Marcos administration ang pagpapaaresto kay Duterte para makalimutan ang mga isyu sa PhilHealth at General Appropriations Act 2025.

Madali lamang aniyang ipaliwanag ang tungkol sa PhilHealth dahil bago pa naaresto ang dating ­pangulo ay nakausap na nila ang mga taga ­PhilHealth habang ang GAA naman ay sumusunod sa enrolled bill principle.

BASTE DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with