Bagyong Butchoy nagbabanta
MANILA, Philippines — Naging low pressure area na ang cloud cluster na namataan sa silangan ng Mindanao.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), maaring maging bagyong Butchoy ang LPA sa susunod na 24 hanggang 48 oras.
Huling namataan ang LPA sa layong 485 kilometro ng silangan ng Davao City.
Sakaling maging bagyo, ito na ang ikalawang bagyo ngayong taon.
Unang tumama sa bansa ang bagyong Aghon.
Nagdudulot ngayon ng pag-ulan ang habagat sa western sections ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Mahigit 60,000 pamilya na ang naapektuhan ng habagat sa 11 probinsya.
- Latest