^

Bansa

Loren, Chiz at Poe nilaglag na ng UNA

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang hindi na magmukhang kawawa dahil sa patuloy na pang-iisnab ng kanilang tatlong guest candidates, tuluyan ng tinanggal kahapon ng United Na­tionalist Alliance (UNA) sa listahan ng kanilang mga kandidato sa pagka-senador sina Senators Francis “Chiz” Escudero, Loren Legarda at Grace Poe-Llamanzares.

Sa ipinalabas na pahayag ni Toby Tiangco, campaign manager ng UNA, sinabi nito na ginawa nila ang lahat para maisama sa kanilang natitirang 9 na kandidato ang tatlo na mas piniling manatili sa Liberal Party. Hindi na umano ngayon obligasyon ng UNA na isama ang pangalan nina Esudero, Legarda at Poe sa listahan ng kanilang mga senatoriables.

Matatandaan na kahit isang beses ay hindi nagpakita ang tatlo sa mga campaign sorties ng UNA. Sinabi pa ni Tiangco na kinaka­ila­ngan na rin naman nilang mag “move on”. Ayon pa kay Tiangco ipinaalam naman niya sa tatlong guest candidates ang gagawing pangangampanya sa Central Luzon pero hindi rin sumipot ang mga ito.

Nauna ng inihayag ni Escudero na hindi siya naniniwala sa mga campaign rallies kung saan kinakaila­ngang sumayaw, kumanta at magdala ng mga artista ang mga kandidato upang dumugin lamang sila ng mga botante.

Samantala, lumutang naman ang posibilidad na gawing pamalit sa tatlo sina Bro. Eddie Villanueva, Puerto Princesa, Palawan Mayor Edward Hagedorn at Bayan Muna Rep. Teddy Casiño.

 

BAYAN MUNA REP

CENTRAL LUZON

EDDIE VILLANUEVA

GRACE POE-LLAMANZARES

LIBERAL PARTY

LOREN LEGARDA

PALAWAN MAYOR EDWARD HAGEDORN

PUERTO PRINCESA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with