^

Police Metro

3 timbog sa higit P20 milyong shabu sa buy-bust

Doris Franche-Borja - Pang-masa
3 timbog sa higit P20 milyong shabu sa buy-bust
Kinilala ni PDEA Director General Mozo Virgilio Lazo, ang  mga naarestong drug suspects na sina Arnold Zaragoza Armamento, 49, taxi dri­ver; Ansano Macapantad, 28; at  Salahudin Amatonding, 29.
STAR / File

MANILA, Philippines — Tatlong drug suspects ang naaresto ng mga otoridad sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City at Pampanga na kung saan ay aabot sa higit P20 milyon ang halaga ng shabu ang nakumpiska.

Kinilala ni PDEA Director General Mozo Virgilio Lazo, ang  mga naarestong drug suspects na sina Arnold Zaragoza Armamento, 49, taxi dri­ver; Ansano Macapantad, 28; at  Salahudin Amatonding, 29.

Sa Quezon City, ikinasa ang anti-illegal drug operation, alas-12:17 ng tanghali  nitong Huwebes sa isang mall sa  Cloverleaf, Balintawak Quezon City na nagresulta sa pagkakahuli kina  Armamento at Macapantad.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang vacuum sealed na hinihinalang shabu na may timbang na dalawang kilo at tinatayang nagkakahalaga ng P13.6 milyon at   cellphone.

Dakong, alas-7:55  naman ng gabi nang  isagawa ang buy-bust sa harap ng Sky Hotel sa   Gugu, Bacolor, Pampanga kung saan naaresto si Amatonding at nasa 1 kilo ng  shabu na may standard price na P6.8 mil­yon, cellphone,  boodle money at Toyota Vios na may plakang  NFU 3811 ang nakumpiska.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with