Misis kinatay ng selosong mister
Dahil sa SIM card...
MANILA, Philippines — Isang 30-anyos na misis ang pinatay ng selosong mister nang pagtatagain at pagsasaksakin sa loob ng kanilang bahay sa Zone-1, Brgy.San Jose Salay, Buhi, Camarines Sur, kamakalawa ng madaling araw.
Namatay noon din ang biktimang si Mercy Grutas Palmiano. Habang tinutugis na ng mga pulis ang tumakas nitong mister na kinilalang si Jolito, nasa hustong gulang.
Sa ulat, bago naganap ang krimen, alas-12:58 ng madaling araw ay nagtalo umano ang mag-asawa sa “SIM card” sa hinala ng mister na may iba itong ka-text na ibang lalaki.
Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay kumuha ng itak ang mister at agad pinagtataga ang misis.
Nang bumulagta sa labas ng bahay ang misis ay pinagsasaksak pa ito ng mister sa ibang bahagi ng katawan na agaran itong nasawi. Mabilis na tumakas nang mapatay nito ang misis.
- Latest