^

Pang Movies

Gabby, gustong isali sa teleserye nina Sharon at Janice

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Gabby, gustong isali sa teleserye nina Sharon at Janice

Intrigera talaga ang netizens at ang naisip na intrigahin ay sina Sharon Cuneta at Janice de Belen na first time magkakasama sa bagong series ng ABS-CBN na Saving Grace. Nang lumabas ang photo ng cast, may nag-comment agad na si Gabby Concepcion na lang ang kulang.

Pareho kasing naging ex ni Gabby sina Sharon at Janice, ang una naging ex-wife at ang huli ay naging ex-girlfriend, pero wala namang away ang dalawang aktres. Pare-pareho na silang nakapag-move on at friends na sina Gabby at Janice. Natatandaan namin, nagkasama pa sa isang episode ng Magpakailanman ang aktor at Inah de Belen, anak ni Janice.

Marami na ang excited sa pagsasamang ito nina Sharon at Janice at wish ng fans. Para raw worth it ang matagal nilang paghihintay sa project nina Sharon at Janice.

Naka-post na sa kani-kanyang Instagram sa short teaser na tinawag na may powerful cast na magpapaiyak sa bawat Pilipino.

Bimby at Josh, kapiling na ulit ni Kris!

Bumalik na pala sa Amerika si Bimby Aquino at kasama niya sa kanyang pagbabalik sa piling ng mom nilang si Kris Aquino ang kuya Josh niya. Ibinalita ito ni Dindo Balares sa kanyang Facebook at si Kris mismo ang nagbalita kay Dindo na “They are on their way from LAX, kuya Dindo.”

By this time, nakarating na sa Orange County ang magkapatid at ang dalawang giants niya, kaya reunited na uli sila. Bumisita lang pala si Bimby rito at parang sinundo lang ang kuya Josh niya.

Justin ng SB19, pasok sa Sang’gre!

Excited na ang fans ng SB19 sa balitang makakasama sa cast ng Encantadia Chronicles: Sang’gre si Justin de Dios ng SB19. Kahit hindi pa kumpirmado ang balita, natutuwa na ang A’TIN fans na mapanood nila itong umaarte.

Ang payo nga nila, ‘wag siyang magpapakulay ng iba sa kanyang buhok dahil bagay ang kulay ng buhok niya ngayon na parang ash blonde sa Sang’gre.

May mga gusto namang malaman kung may love interest siya sa Sang’gre.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with