^

PSN Palaro

Jakarta leg tinumbok ni Reyes

-
JAKARTA --Tama na ang mga makapigil-hini-ngang pagtatapos na laban.

Sumandal mula sa tatlong sunod na bad breaks ng kalabang si Yang Ching-Shun, itinala ni Efren ‘Bata’ Reyes ang 11-6 panalo laban sa 5th seed na Taiwanese noong Linggo upang isukbit ang korona ng ikalawang yugto ng San Miguel Asian 9-Ball Tour na ini-host ng Indonesian capital sa kauna-unahang pagkakataon.

Nagpuwersa hang-gang sa huling rack sa kanyang unang apat na laban, hindi na nangaila-ngan si Reyes na magsa-gawa ng mahika upang makalusot kay Yang na nagsimulang minalas makaraan ang 6-5 aban-te sa Pinoy top seed sa mismong araw ng kan-yang kaarawan.

Nilimas ni Reyes ang mesa sa tulong ng tatlong mahuhusay na 9-ball combo makaraan ang dalawang kulang na breaks at dalawang scratch sa huling anim na rack ni Yang.

"Alam nyo naman na yung mga laban ko, tala-gang balikatan at pahi-rapan," ani Reyes -- na napagwagian ang kan-yang unang tatlong laban sa iskor na 9-8 sa harap ng nakararaming Pinoy at Indon fans na nagbubunyi sa loob ng Hanggar Billiard and Recreation Center.

"Si Yang na ang may pinakamagandang tira sa mga nakalaban ko dito, pero pag walang puma-pasok sa break e mahirap talagang manalo," dag-dag ni Reyes, na pang-lima sa mundo.

Dahil sa tagumpay na ito, nakakuha ang 50 anyos na si Reyes ng 70 ranking points sa natata-nging qualifying tourna-ment sa Asia para sa World Championships sa Taiwan sa July.

Higit pa sa panalong ito, naipaghiganti din ni Reyes ang kabiguan ng mga kababayan at ka-teammate sa Puyat Sports na sina Lee Van Corteza at Gandy Valle kay Yang, na dumis-patsa din kay Japanese Satoshi Kawabata, 11-6 sa ikalawang semis duel.

BALL TOUR

GANDY VALLE

HANGGAR BILLIARD AND RECREATION CENTER

JAPANESE SATOSHI KAWABATA

LEE VAN CORTEZA

PINOY

PUYAT SPORTS

REYES

SAN MIGUEL ASIAN

SI YANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with