^

PSN Palaro

Altas kakalsuhan ang kamalasan

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Gusto ng University of Perpetual Help System DALTA na kalsuhan ang six-game losing slump sa pagharap nila sa Arellano University sa second round ng NCAA Season 102 men’s basketball tournament sa Playtime FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Magbabanatan ang Altas at Chiefs ngayong alas-5 ng hapon pagkatapos ng mainit na bakbakan ng College of Saint Benilde Blazers at Mapua University Cardinals sa alas-3 ng hapon.

Pursigido si head coach Olsen Racela na maibalik ang Perpetual Help sa dating pamatay na porma para sa pagsilo ng kanilang ikatlong panalo.

Tangan ang 2-7 karta, huhugot ng lakas ang Altas kina Mark Gojo Cruz, LA Casillo, Ray Allen Maglupay, JM Tulabot, Jim Corpuz, Gelo Gelsano at Ariea Borja.

Kailangan magdoble-kayod ang Perpetual para ma­bawian nila ang Arellano na tumalo sa kanila, 65-88, sa first round noong Setyembre 25.

Nasa pangalawang puwesto ang Chiefs sa Group B hawak ang 5-4 record.

Magkasalo sa No. 3 spot ang Blazers at Cardinals na may parehong 6-3 baraha at ang mananalo sa kanila ay uupo sa top spot kasama ang defending champions San Beda University Red Lions at Jose Rizal University Heavy Bombers.

DALTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with