Bagong Alex Eala hanap ng Milo

MANILA, Philippines — Nakatakdang sumibol ang susunod na Alex Eala.
Sa isang pambihirang pagkakataon ay magdaraos ng sports clinic si Eala para sa mga kabataang atleta sa Pasig Central Elementary School sa Martes kasama ang Milo at Department of Education sa pangunguna ni Sec. Sonny Angara.
Bahagi ang “Alex Eala Homecoming: Great Things Start From Small Beginnings” ng homecoming ni Eala at ng pinagsamang inisyatibo ng Milo at ng DepEd para sa sports grassroots development program, partikular na sa tennis.
Nakalinya rin para kay Eala na dumating sa bansa kamakalawa ang “Alex Eala Live: Game. Set. Celebrate” sa Disyembre 8 sa Philippine Arena kung saan makakalaban niya sa exhibition game ang top Indonesian player na si Janice Tjen (WTA No. 60).
Tampok naman bilang guests sina Caloy Yulo at Manny Pacquiao kasama ang celebrities na sina Anne Curtis, Piolo Pascual, Andrea Brillantes, Donny Pangilinan at Julia Barreto.
Matatandaang isa si Eala sa produkto ng Milo sports programs bago niya subukan ang kanyang kapalaran sa Spain upang magsanay at mag-aral sa Rafael Nadal Academy.
At nagbunga ito para kay Eala na balik-bansa ngayon bilang world No. 15 sa Women’s Tennis Association (WTA) matapos ang kanyang unang WTA Tour title sa Washington, sahog pa ang 125 na korona sa Birmingham, 3rd round sa US Open at 4th round sa Wimbledon kung saan niya tinanggal sa trono ang reigning champion na si Iga Swiatek ng Poland.
- Latest

















