Bulldogs tinambakan Falcons

MANILA, Philippines — Winasiwas ng National University ang Adamson University, 79-43, upang pahabain ang kanilang winning streak sa apat sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa Blue Eagle gym kagabi.
Dahil sa panalo nirehistro ng Bulldogs ang 6-2 karta para saluhan sa tuktok ng team standings ang University of the Philippines Fighting Maroons.
Pinamunuan ni PJ Palacielo ang opensa para sa Sampaloc-based squad sa nilistang 16 points, dominado nila ang laban pagkatapos ng first period kaya naman nawalis nila ang Adamson ngayong season.
Abante ng isang puntos ang Bulldogs sa first canto, 20-19 pero bigla silang bumangis sa second period upang lumobo ang kanilang bentahe sa 16 points, 40-24 sa halftime.
Nagpatuloy ang pagliliyab ng opensa ng NU sa third quarter para itarak ang 29-point lead papasok ng fourth canto.
Hindi na binigyan ng Bulldogs ng pagkakataon ang Falcons na makadikit kaya naman magaan nilang sinagpang ang panalo at ipalasap sa katunggali ang pang-apat na kabiguan sa walong laro.
Sa unang laro, winakasan ng Ateneo ang three-game losing skid matapos nilang dagitin ang 75-72 panalo kontra Far Eastern University.
Dahil sa panalo, nabawian ng Blue Eagles ang Tamaraws sa 70-93 pagkatalo nila sa first round ng eliminations. (
- Latest

















