Ware hataw sa Bucks vs Thunder

MILWAUKEE - Kumolekta si center Kel’el Ware ng career-high 30 points at 13 rebounds para pangunahan ang Bucks sa 119-111 pagsuwag sa Oklahoma City Thunder.
Umiskor si Ryan Rollins ng season-high 28 points at may 20 markers si Brayden Burries para sa Milwaukee (3-18) na nakahugot kay Ousmane Dieng ng season-best 13 points.
Bumanat si Shai Gilgeous-Alexander ng 34 points at may 24 markers si Ajay Mitchell para sa Oklahoma City (10-10), habang may 13 points si Alex Caruso mula sa bench.
Ito ang ikaapat na sunod na kamalasan ng Thunder na nalimitahan sa 18 points sa third period kumpara sa 34 markers ng Bucks para sa kanilang 92-82 abante.
Inilapit ni Gilgeous-Alexander ang Oklahoma City sa 103-105 mula sa kanyang three-point shot sa dulo ng final canto.
Ngunit hindi na bumitaw ang Milwaukee para tiyakin ang kanilang ikatlong panalo ngayong season.
Sa iba pang laro, wagi ang Orlando Magic sa Washington Wizards, 116-91; lusot ang Brooklyn Nets sa Charlotte Hornets, 118-116; tumakas ang Chicago Bulls sa Indiana Pacers, 108-107; at pinasabog ng Houston Rockets ang Philadelphia 76ers, 131-93.
- Latest


















