Tama o Mali?
Mainit na issue ang ginawang pagsita ni Ginebra governor Alfrancis Chua sa mga players or personalities sa lamay ng yumaong PBA star na si Peter June Simon.
Sabi ni coach Alfrancis, parang ginamit as content ng iba, kabilang na sila retired PBA players Rico Maierhofer at Paul Artadi, ang lamay.
“Stop exploiting someone’s death for your own content,” ang sabi ni Alfrancis.
Mabilis kumalat ang mga video content nila Maierhofer at Artadi sa pagbisita nila sa lamay ni Simon, na close friend nila.
Parang the following day pa lang ng pagpanaw ni Simon sa edad na 46 eh nasa Davao na sila Maierhofer at Artadi kasama sila James Yap, Ryan Arana, Kerby Raymundo at coach Ryan Gregorio.
Kilala rin online sila Arana at Pingris na mahilig mag vlog. Pero mas natukoy ni Alfrancis sina Maierhofer at Artadi.
Alam naman natin na sa viral posts especially sa YouTube, may katumbas na pera ang maraming views or likes. In short, pwede ka kumita.
Sa one million views, meron ka yatang P100,000 kung registered content creator ka.
Sumagot si Maierhofer at Artadi. Never daw nila inisip ang content. Dumalo sila sa lamay bilang kaibigan, para makiramay sa pamilya ni Simon at magbigay ng updates sa publiko.
Walang masama kung malinis ang intention. Sabi ko nga, kung mawalan ako ng matalik na kaibigan, natural eh mabilis akong dadalaw sa lamay.
Pero dehins ako vlogger or serious content creator. So, isang post lang siguro ng pakikiramay or pictures ng happy memories or sa burol o libing, sapat na.
Ewan ko lang sa vloggers.
- Latest



















