Huling NBA Cup quarterfinal berths paglalabanan
NEW YORK — Pasok na ang Dallas Mavericks, habang 10 teams ang talsik na at 19 squads ang nag-aagawan para sa huling pitong quarterfinal spots sa 2026 NBA Cup.
Magtatapos ang group-stage play sa NBA in-season tournament ngayong araw kung saan 11 games — ang 10 dito ay maaaring magdetermina kung sino ang maglalaro sa knockout round na magsisimula sa susunod na linggo.
Nakamit na ng Mavericks ang West Group A title sa kanilang 3-0 record.
Ang iba pang may parehong 3-0 kartada ay ang Boston Celtics sa East Group C at Minnesota Timberwolves sa West Group B, habang may 3-1 marka ang Orlando Magic sa East Group A.
May magkatulad namang 2-1 record ang Philadelphia 76ers at Miami Heat sa East Group B.
Ang tiebreakers ay inaasahang gagamitin para sa mga tropang papasok sa quarterfinals kagaya ng head?to?head record, point differential, total points scored, prior regular?season record at kung maaari ay ang random draw.
Wala na sa kontensyon sa NBA Cup quarterfinals ang Milwaukee Bucks (0-3), Chicago Bulls (2-2), Charlotte Hornets (0-4), Houston Rockets (2-2), Phoenix Suns (1-2), Utah Jazz (0-3), Oklahoma City Thunder (2-2), Los Angeles Clippers (1-2), New Orleans Pelicans (0-3) at Sacramento Kings (0-4).
- Latest



















