Ajido flag-bearer ng Team Philippines sa YOG
MANILA, Philippines — Pinangalanan si swimming standout Jamesray Mishael Ajido upang maging flag-bearer ng Team Philippines sa opening ceremony ng 4th Youth Olympic Games (YOG) sa Oktubre 31 sa Dakar.
Isa ang 16-anyos na Pinoy tanker sa mga ipaparada ng Pilipinas sa Youth Olympic Games.
Siyam na Pinoy athletes ang sasabak sa anim na disiplina.
Itatampok sa opening program ang malalim na kultura ang musika ng host country sa ilalim ng temang “Africa Welcomes, Dakar Celebrates.”
Sina Ajido at Riannah Chantelle Coleman ang sasalang sa swimming sa Nobyembre 1.
Sasabak din sa naturang araw si wushu bet Angel Polo (women’s taijiquan combined).
Lalarga ang artistic gymnastics sa Nobyembre 7 tampok sina Tchelzy Maayo at Hillarion Palles III, habang sa Nobyembre 8 ang cycling ni Maritanya Krog sa women’s road at individual time trial.
Nakatakda ang athletics sa Nobyembre 8 kung saan magtatangka sina Pi Durden Wangkay (men’s 200m) at Naomi Marjorie Caesar (women’s 800m).
- Latest


















