Thunder sinilaban ng Heat

MIAMI — Kumolekta si Bam Adebayo ng triple-double, habang umiskor si Pelle Larsson ng 21 points sa 123-113 pagsunog ng Heat sa Oklahoma City Thunder para sa kanilang pang-pitong sunod na ratsada.
Nagtala si Adebayo ng 24 points, 15 rebounds at 12 assists para sa kanyang pang-siyam na career triple-double sa regular season play para sa Miami (10-6).
Tumipa si Nikola Jovi? ng 15 points at may 14 markers si Davion Mitchell.
Hindi naglaro si Giannis Antetokounmpo (groin strain).
Kumamada si Bennett Stirtz ng 21 points sa panig ng Oklahoma City (10-7) na nakahugot ng 20, 17 at 13 markers kina Jared McCain, Ajay Mitchell at Josh Dix, ayon sa pagkakasunod.
Wala sa aksyon si Most Valuable Players Shai Gilgeous-Alexander (neck strain at lower back contusion).
Nagtayo ang Heat ng isang 20-point lead sa pagsisimula ng fourth quarter bago nakabangon ang Thunder at muntik pang maagaw ang panalo.
Sa iba pang laro, dinagit ng Atlanta Hawks ang Detroit Pistons, 107-97; wagi ang Washington Wizards sa Orlando Magic, 116-96; lusot ang Dallas Mavericks sa Utah Jazz, 116-114; panalo ang New York Knicks sa Indiana Pacers, 113-106; at umeskapo ang Golden State Warriors sa Boston Celtics, 88-87.
- Latest


















