^

PSN Opinyon

Lunas sa premenstrual syndrome (PMS)

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

SA mga kababaihan, kung regular na nakararanas ng pagkalungkot, iritable, pabagu-bagong mood bago ang iyong regla, maaaring mayroong premenstrual syndrome (PMS). Kayang malunasan ang PMS sa pamamagitan ng mga sumu­sunod:

l Baguhin ang diet. Kumain ng mas kaunti, pero mas ma­dalas para mabawasan ang paglaki ng tiyan.

l Limitahan ang asin at maaalat na pagkain.

l Pumili ng mga pagkaing mataas sa fiber gaya ng prutas at gulay.

l Pumili ng pagkain na mayaman sa calcium gaya ng fat-free, o low-fat dairy products.

l Maaring uminom ng calcium supplements.

l Iwasan ang pag-inom ng kape at alak.

l Ang regular na pag-eehersisyo ay maaaring magpa­kalma ng mga sintomas.

l Magbawas ng stress. Ang stress ay maaaring magpalubha sa sintomas ng PMS.

l Iplano ang sarili sa loob ng 1 linggo habang inaasahan ang sintomas ng PMS.

l Magkaroon ng sapat na tulog.

l Ang pagsasanay nang malalim na paghinga ay ma­aaring makatulong na mabawasan ang pananakit ng ulo, pagkabalisa at hindi pagkatulog.

l Kung hindi gumaling ang PMS sa pamamagitan ng lifestyle changes, kumunsulta sa doktor.

DOC WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with