Bawasan ang maalat para bumaba ang BP
Ang sobrang asin sa pagkain ay nakakataas ng blood pressure (BP). Ang pagbawas naman ng asin sa diet ay nakabababa ng BP.
Dapat ay isang kutsaritang asin lang o mas konti pa ang makain ng isang tao bawat araw.
Paano mababawasan ang asin sa pagkain?
1. Tanggalin ang asin, patis, toyo at bagoong sa hapag kainan. Puwedeng gamitin ang mga ito sa pagluluto para magkalasa ang pagkain pero pagdating sa mesa ay huwag nang dagdagan pa. Puwede ring gumamit ng herbs, kalamansi, o suka sa pagluluto.
2. Kumain ng sariwang isda kaysa mga isdang tuyo o dinaing. Kumain din ng sariwang karne imbes na ham o bacon.
3. Umiwas sa mga canned goods dahil maaalat din ang mga ito.
4. Umiwas sa pagkain ng mga chips at instant noodles dahil marami rin itong sodium.
5. Magbasa ng nutrition label. Low salt na maituturing kung 0.3 gram salt o 0.1 gram sodium o mas mababa pa ang laman sa bawat 100 grams ng pagkain.
- Latest





















