^

PSN Opinyon

Marine park sa china, binatikos nang gumamit ng robot na pating!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang marine park sa China ang inulan ng batikos dahil gumamit ito ng isang robot na pating imbis na totoong whale shark!

Noong Oktubre 1, muling nagbukas ang Xiaomeisha­ Sea World sa Shenzhen, China, matapos ang limang taon na pagsasara para sa renovations. Ang 60,000-square-meter na marine park ay nag-welcome ng humigit kumu­lang 100,000 visitors sa opening week nito.

Ngunit agad natabunan ng kontrobersiya ang tagum­pay na iyon dahil sa isang bagong atraksyon dito, isang robotic whale shark.

Ayon sa ilang balita mula sa mga Chinese media, maraming bisita ang nadismaya nang makita na ang whale shark na lumalangoy sa malaking aquarium ay hindi tunay, lalo na’t walang paunang abiso mula sa Xiaomeisha Sea World na wala silang totoong mga pating.

“Maliit lang ang marine park at ang mga whale shark ay hindi totoo,” reklamo ng isang bisita sa social media. “Pagsapit ng alas tres ng hapon, humihingi na ng refund ang mga tao.”

Kasunod nang lumalaking kontrobersiya tungkol sa bagong exhibit, sinubukan ng Xiaomeisha Sea World na magpaliwanag na nag-invest sila ng milyun-milyong yuan sa robotic whale shark bilang paraan sa pagsunod sa animal protection laws ng China, na nagbabawal sa paghuli ng whale sharks.

Sa official statement ng Xiaomeisha Sea World nilinaw ng mga ito na ang paggamit ng robotic whale shark ay hindi para linlangin ang mga bisita, kundi mag-alok ng isang technologically-advanced na alternatibo.

Gayunman, hindi nito nabawasan ang galit ng publiko dahil marami sa mga bisita ang nagpunto na ang isyu ay ang mapanlinlang na paraan ng kanilang mga marketing at promotion. “Para sa layuning maprotektahan ang mga endangered marine animals, mas mabuti pang wala na lang silang whale shark kaysa mag-display ng peke,” sabi ng isang bumisita sa naturang marine park.

Hindi malinaw kung sino ang gumawa ng robot na pating, ngunit pinaniniwalaang ito ay nilikha ng kumpan­yang Shanyang na nag-anunsiyo na gagawa sila ng kauna-unahang robotic whale shark noong Agosto. Ito ay may habang 5 metro, tumitimbang ng 350 kilos, at kayang lumangoy, lumutang, sumisid, at bumuka ang bibig, tulad ng tunay na pating.

SHARK

WHALE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with