Bakit humihilik
HALOS 50 percent sa atin ay humihilik. Ang paghilik ay nangyayari kapag ang hangin na iyong hininga habang natutulog ay naharang sa iyong lalamunan. Ito ang dahilan para ang iyong lalamunan ay mag-vibrate o gumawa ng malakas na tunog.
Mga dahilan ng paghilik:
1. Mouth Anatomy – Habang natutulog ka, ang mga muscles sa iyong bibig (palate), dila at lalamunan ay naka-relax, at maaaring bahagyang makaabala sa daanan ng iyong hininga. Ang pagkakaroon ng mababa at makapal na palate o lumaking tonsils o laman sa likod ng iyong lalamunan ay maaaring makapagpa-kitid sa daanan ng hangin. Ang sobra sa timbang ay nakadaragdag para maging ma-kitid ang daanan ng hangin.
2. Problema sa Ilong – Ang malalang pagbabara ng ilong o ang baluktot na pagkakahati sa butas sa ilong (deviated nasal septum) ay maaaring dahilan ng paghilik.
3. Sleep Apnea – Ang paghilik ay maaaring nauugnay sa obstructive sleep apnea. Inilalarawan ito sa pamamagitan ng malakas na hilik na sinusundan ng katahimikan na maaaring tumagal ng 10 segundo o higit pa. Sa ganitong seryosong kondisyon ang daanan ng iyong hininga ay napipigil o lumiliit na ang hangin na iyong nalalanghap ay hindi na sapat para sa iyong kailangan. Kumunsulta sa doktor na pulmonologist.
4. Pag-inom ng alak – Ang paghilik ay maaaring dala ng sobrang pag-inom ng alak bago matulog. Ang alak ay nagpapa-relax ng muscle ng lalamunan at binabawasan ang iyong likas na panlaban sa pagharang ng mga daanan ng hangin.
- Latest