^

PSN Opinyon

Lalaki sa Singapore, kinasuhan matapos mameke ng death certificate para makapag-leave sa trabaho!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG lalaki ang napilitang magpanggap na namatay ang kanyang lolo matapos hindi makapag-concentrate sa trabaho dahil sa pangangaliwa ng kanyang girlfriend.

Si Barath Gopal, 29, ay pinagmulta ng $4,000 Singaporean dollars noong February 5 matapos umamin sa kasong pamemeke ng dokumento.

Ayon sa ulat, nalaman ni Gopal noong November 2023 na may ibang lalaki ang kanyang girlfriend. Dahil dito, hindi na siya makapag-focus sa trabaho bilang isang security financing operation analyst.

Bagaman may apat na araw pa siyang natitirang annual leave, naisipan niyang magsinungaling at sinabi sa kanyang boss na pumanaw ang kanyang lolo habang ito’y natutulog.

Humiling siya ng tatlong araw na paid compassionate leave mula November 8 hanggang 10, at ito ay agad namang naaprubahan.

Ngunit nang hingan siya ng supervisor ng death certificate bilang patunay, idinahilan ni Gopal na makukuha lamang niya ito kapag nakabalik na mula India ang kanyang ama.

Hindi nagtagal, nakipag-ugnayan siya sa kamag-anak ng isang kaibigang pumanaw noong July 2023 at humingi ng kopya ng death certificate nito. Pinalabas niyang kailangan niya ito upang ipaliwanag ang kanyang pagliban sa trabaho.

Ginamit niya ang dokumentong ito para gumawa ng pekeng death certificate ng kanyang lolo gamit ang laptop at isang photo editing software.

Matapos baguhin ang impormasyon, ipinasa niya ito sa kanyang boss ngunit sinadyang putulin ang bahagi kung saan makikita ang QR code na nagpapatunay ng pagiging lehitimo ng dokumento.

Nang igiit ng kanyang boss na isumite ang buong kopya, napilitan siyang ipadala ito nang buo. Alam niyang mabubuking siya kaya bago pa lumabas ang imbestigasyon, nagbitiw na siya sa trabaho noong December.

Ayon sa Immigration and Checkpoints ­Authority, nalugi ng halos $500 Singaporean dollars ang kompanyang pinagtatrabahuhan ni Gopal dahil sa kanyang paid compassionate leave.

Sa ilalim ng batas ng Singapore, ang sinumang mapatutuna­yang nagpeke ng death certificate ay maaaring makulong nang hanggang 10 taon, at pagmumultahin ng hanggang $10,000.

WORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with