^

PSN Opinyon

Nagsimula na ang bangayan

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

NAG-UMPISA na ang batuhan ng basura o putik sa pagitan ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ni President Ferdinand Marcos Jr. at ng Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban ng Bayan (PDP-Laban) na pinangunahan ni dating President Rodrigo Duterte.

Nagsimula ang 90-days campaign period para sa mga national offices noong Pebrero 11 para sa 2025 elections at ‘yon na nga ang umpisa at nagbigay-buhay sa kuwento na pinabili lang “suka”.

Sa campaign rally sa Ilocos Norte Centennial Arena noong Martes, kinutya ni Marcos ang partido ni Duterte na may mga kandidatong pinabili lang daw ng suka ay tumakbo ng senador.

Ipinagmalaki ni Marcos na wala sa mga kandidato ng administrasyon ang may bahid ng dugo dahil sa EJK, nagbulsa sa pera ng bayan at nagpanggap na propeta subalit nambibiktima ng mga bata at kababaihan. Wala rin aniya sa mga kandidato ng administrasyon ang pumapalakpak habang binobomba at inaabuso ng China ang mga Filipino na mangingisda sa West Philippine Sea.

Buwelta naman ni Duterte  nang magdaos ng rally sa Club Filipino sa San Juan City noong Huwebes, patuloy aniya ang pagmahal ng bilihin lalo na ang bigas na hindi bumaba sa P20 as promised.

Sabi pa ni Duterte, si Marcos ay talaga nga nga raw gumagamit ng illegal na droga. “Marcos will be crazy. Maybe he could reach the age of 80 but by that time, he is no longer moving. Either he is standing in his room or sleeping.”

Sa bagay naman ng pinabili ng suka, naging matapang naman ang mga kandidato ni Duterte na kahit  paano ay suka ay nakakabigay ng lasa sa ulam kaya mahalaga ito. 

Ang mga bangayang ‘yon ay simula pa lang. Marami pang mangyayaring batuhan ng basura o putik bago sumapit ang May 12, 2025 elections.

Kapana-panabik at inaabangan kung sino sa kanila ang mananalo.

ELECTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with