^

PSN Opinyon

Kaso vs Guo walang piyansa

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Tama lang na walang piyansa ang mga kasong isasampa ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa pagkakasangkot niya sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Ngunit bakit sa Biyernes pa at hindi agaran ang filing lalo pa’t seryoso ang krimeng ipinararatang sa kanya?

Bagamat illegal POGO lang ang umano’y kinasasangkutan niya, may mas malalim ng implikasyon ito sa pambansang seguridad lalo pa’t unti-unting lumalantad ang posibleng paggamit ng China sa operasyon ng POGO hindi lamang sa pang-eespiya kundi ganundin sa infiltration ng mga sundalong Tsino sa ating bansa.

Lalong nakita ang ebidensya nito sa mga sandata at uniporme ng Peoples Liberation Army ng Tsina sa isa pang sinalakay na POGO hub sa Porac, Pampanga. Libu-libo na ang mga Tsinong nagtatrabaho sa POGO at baka di natin namamalayan na malaking hukbo na nila ang nasa loob ng ating bansa.

Ang patuloy na paglaya ni Guo ay magbibigay ng pagkakataon sa kanya (kung siya’y tunay na sangkot sa sindi­kato ng POGO) upang makipagpulong sa kanyang kasamahan at palakasin ang kanilang hanay. Napakaseryosong kaso ito. Nakatakdang magpulong ang isang inter-agency committee na pinangungunahan mg PAOCC upang tapusin ang mga kasong isasampa laban kay Guo na karamihan ay non-bailable cases.

Bagamat presumed innocent si Mayor Guo, lubhang seryoso at may implikasyon sa national security ang mga kaso niya kaya hindi dapat ipagwalambahala. Kung sanang naging diretso at kapani-paniwala ang mga sagot niya sa imbestigasyon ng Senado lalo na sa kanyang totoong pag­katao, hindi siya malulublob sa ganyan kabigat ng asunto.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with