Isang itlog lang bawat araw
Maraming nagtatanong kung ilang itlog ang puwedeng kainin sa isang araw?
May maganda at hindi magandang balita tungkol sa itlog. Ang itlog ay may protina, vitamin B12, vitamin D, riboflavin at folate. Mabuti ito sa katawan at masustansya. Ngunit sa kabila nito, may 213 milligrams ng kolesterol ang pula ng itlog.
Kung ikaw ay malusog, puwede kang kumain ng 1 itlog sa isang araw. Mag-ingat lang sa mga kasamang pagkain ng itlog tulad ng hotdog, bacon at tocino. Piliin ang boiled egg kaysa sa pritong itlog.
Kung ikaw ay may sakit sa puso, diabetes o mataas ang kolesterol, tatlong itlog lang sa loob ng isang linggo ang dapat kainin.
Gulay, prutas at isda lang talaga ang masasabing subok na sa sustansya para sa katawan.
- Latest